^

Probinsiya

2 na patay sa pamilyang pinasok at pinagsasaksak sa Rizal

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
2 na patay sa pamilyang pinasok at pinagsasaksak sa Rizal
Kinumpirma ni San Mateo Municipal Police Station OIC P/Col. Jaycon Ramos na namatay na rin si Eduardo Caguiwa Masigla, 58, habang nilalapatan ng lunas ng mga doktor ng Ynares Hospital. Samantala, may malay na at inaasahang patuloy na ang paggaling ng kanyang inang si Luningning Caguiwa McDonald, 84-anyos.
STAR/File

MANILA, Philippines — Binawian na rin ng buhay kamakalawa ng gabi ang isa sa dalawang magkaanak na kritikal matapos silang pasukin, pagsasaksakin at pagpapaluin ng matigas na bagay ng mga hindi kilalang salarin na unang ikinasawi ng isang 8-anyos na babae sa loob ng kanilang tahanan sa San Mateo, Rizal kasama ang kanyang pamangkin at ina.

Kinumpirma ni San Mateo Municipal Police Station OIC P/Col. Jaycon Ramos na namatay na rin si Eduardo Caguiwa Masigla, 58, habang nilalapatan ng lunas ng mga doktor ng Ynares Hospital. Samantala, may malay na at inaasahang patuloy na ang paggaling ng kanyang inang si Luningning Caguiwa McDonald, 84-anyos.

Samantala, nabatid na may siyam na persons of interest na inimbitahan ang mga awtoridad sa presinto kabilang ang mga taong nasa compound, kung saan umano matatagpuan ang isang pabrika na pagawaan ng siomai wrapper, ngunit matapos na isailalim sa interogasyon ay pinayagan na rin silang makauwi.

Matatandaang sina Masigla at McDonald kasama pa ang paslit na si Kristine Grace Picawco Arias, Grade 2 student; pawang residente ng 36 Marang St., Brgy. Maly, San Mateo ay natagpuan ng kanilang 17-anyos na kaanak na may mga saksak sa katawan at may mga palo ng matigas na bagay sa ulo dakong alas-9:00 ng umaga kamakalawa.

Kaagad namang rumesponde ang mga pulis at isinugod sa pagamutan ang mga biktima ngunit dead-on-arrival na si Arias, habang si Masigla ay binawian naman ng buhay dakong alas-8:00 ng gabi.

vuukle comment

PATAY

SAKSAK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with