^

Probinsiya

2 sakong marijuana nasabat sa checkpoint

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
2 sakong marijuana nasabat sa checkpoint
Ayon kay P/Maj. Alford Accad, hepe ng Cordon PNP, sakay ng isang Hyundai Accent na may improvised na plaka ang suspek nang pahintuin sa PNP check point sa Barangay Caquilingan matapos nilang makumpirma ang natanggap na tip mula sa Isabela Police Provincial Office kaugnay sa nasabing sasakyan na may lulan na marijuana.
Pixabay

SANTIAGO CITY, Isabela , Philippines — Dalawang sako ng pinatuyong dahon ng marijuana ang nasabat ng pinagsanib na pu­wersa ng mga awtoridad sa isang checkpoint sa bayan ng Cordon sa lalawigang ito, kahapon ng umaga.

Kinilala ng Cordon Police ang nadakip na nag-iisang suspek na si John Patrick Catabona ng Barangay Bagong Sikat, Muñoz, Nueva Ecija.

Ayon kay P/Maj. Alford Accad, hepe ng Cordon PNP, sakay ng isang Hyundai Accent na may improvised na plaka ang suspek nang pahintuin sa PNP check point sa Barangay Caquilingan matapos nilang makumpirma ang natanggap na tip mula sa Isabela Police Provincial Office kaugnay sa nasabing sasakyan na may lulan na marijuana.

 Unang hinanapan ng travel document o anumang health certificate ang suspek, alinsunod sa pinaiiral na protocol dahil sa COVID-19, subalit wala umano itong naipakita. Nang buksan ang compartment ng sasakyan ay nakita ang dalawang sako na puno ng pinatuyong dahon ng marijuana.

 Ayon pa kay Accad, tinatayang nasa P2.4-milyon ang halaga ng nakuhang marijuana na tumitimbang ng humigit kumulang sa 16 kilo.

 Nakatakdang dalhin sana ng suspek ang mga iligal na droga sa Metro Manila mula sa lalawigan ng Kalinga nang masabat sa checkpoint.

vuukle comment

MARIJUANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with