^

Probinsiya

Major at sarhento timbog sa kotong, 2 pang pulis tugis

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Inaresto sa loob mismo ng kanyang opisina ng mga kabaro ang isang police major at staff seargent habang pinaghahanap ang dalawa pang kasamahan matapos na ireklamo ng pangongotong ng isang operator ng barkong pangisda sa Zurbito St.,Pier-7, Brgy. Bapor sa Masbate City, Masbate kamakalawa ng umaga.

Nakakulong at nakatakdang sampahan ng kaso ang mga dinakip na sina P/Major John Murray Cutaran, 37-anyos, provincial officer ng 502nd Maritime Police Station at P/SSgt.Romel Naval, 38-anyos, isang police investigator. Tinutugis naman ang dalawa pa nilang kasama­hang sina P/Lt. Melecio Huelva lll, deputy provincial officer at P/SSg Ronald Puerto.

Sa ulat, inireklamo ang apat na maritime police ng pangongotong ng negosyanteng si Donato Villaceran, residente ng Brgy.Punta Princesa, San Remegio, Bantayan Island, Cebu.

Humihingi umano sa operator ng F/B RAV ng P400,000 ang mga suspek kapalit ng pag-release ng fishing vessel at 28 crew nito na una nang dinakip nina Cutaran dahil sa akusasyong iligal na pangingisda.

Dakong alas-8:25 ng umaga, agad rumes­ponde at isinailalim sa entrapment operation ang mga suspek ng mga tauhan ng Integrity Monitoring Enforcement Group ng PNP, Special Action Force, Regional Intelligence Unit 7 ng Cebu at Masbate City Police sa pangunguna ni Major Steve Dela Rosa.

Hindi na nakapalag si Major Cutaran at SSg.Naval nang ­arestuhin makaraang tanggapin ang isang ecobag na naglalaman ng P200,000 na boodle money.

vuukle comment

KOTONG

PULIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with