^

Probinsiya

Mayor sa South Cotabato itinumba!

Doris Franche, Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Mayor sa South Cotabato itinumba!
Ang nakabulagtang si Santo Niño, South Cotabato Mayor Pablo Matinong matapos na pagbabarilin ng riding-in-tandem habang nag-iinspeksyon ng ipi-nagagawang proyekto sa Purok Libertad, Barangay Poblacion ng nasabing bayan kahapon ng umaga.
Rhoderick Beñez

SOUTH COTABATO, Philippines — Patay ang isang alkalde ng lalawigang ito na dating nasa drug watchlist ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem habang nag-iinspeksyon ng kanyang ipinagagawang proyekto at isa ang sugatan matapos tamaan ng ligaw na bala sa Purok Libertad, Barangay Poblacion sa bayan ng Santo Niño kahapon ng umaga.

Sa ulat ng Santo Niño Police, kinilala ang nasawi na si Santo Niño Mayor Pablo Matinong, 55-an­yos, habang gina­gamot sa Luntao Clinic and Hospital ang nasu­gatan na si Analyn Avance Piñafiel, 42-an­yos.

Sa imbestigasyon, alas-8:00 ng umaga habang mag-isang naglalakad at tini­tingnan ng alkalde sa ipinagagawa nitong proyekto sa lugar nang pagbabarilin ng isa sa dalawang suspek sa ulo. Minalas namang tamaan ng ligaw na bala si Piñafiel.

Nang masigurong patay na ang alkalde, mabilis na tumakas ang mga suspek lulan ng motorsiklo.

Isinugod pa sa ospital ang alkalde pero idineklara siyang dead-on-arrival ng mga sumuring doktor.

Si Matinongay isa sa mga nasa drug watchlist ni Pangulong Duterte noon pero nalinis na nito ang kanyang pangalan.

Ang alkalde ang nagpaangat at nagpaunlad ng bayan ng Sto. Niño matapos na payagan nitong mamuhunan ang mga malalaking negos­yo sa bayan.

vuukle comment

PATAY

RIDING IN TANDEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with