^

Probinsiya

IED pinasabog: Parak, 1 pa utas; 4 sugatan

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
IED pinasabog: Parak, 1 pa utas; 4 sugatan
Sa ulat ng pulisya, pabalik na umano sa kanilang himpilan ang mga tropa ng pulis sakay ng kanilang patrol car nang sumabog ang itinanim na bomba ng ‘di pa matukoy na mga suspek alas-8:30 ng gabi na ikinasawi ng isa sa kanila habang nadamay sa pagsabog ang nasabing sibilyan.

MAGUINDANAO, Philippines — Isang pulis at isang sibilyan ang nasawi habang apat pang pulis ang nasugatan nang pasabugan ng isang improvised explosive device (IED) na itinanim ng mga ‘di kilalang suspek sa bahagi ng provincial road ng Barangay Poblacion Mother sa Shariff Aguak, Maguindanao nitong Huwebes ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si P/MSgt. Antonio Balasa at isang sibil­yan na nakilala lang sa pangalang alyas Bobby, habang ang mga su­gatan ay sina P/Sgt. Larry Amoran, P/SSgt. Guerero Domingo, P/Cpl Guai Mangrag at P/Cpl. Clyde Peria.

Sa ulat ng pulisya, pabalik na umano sa kanilang himpilan ang mga tropa ng pulis sakay ng kanilang patrol car nang sumabog ang itinanim na bomba ng ‘di pa matukoy na mga suspek alas-8:30 ng gabi na ikinasawi ng isa sa kanila habang nadamay sa pagsabog ang nasabing sibilyan.

Patuloy ang isinasa­gawang imbestigasiyon ng pulisya sa insidente. 

vuukle comment

IED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with