^

Probinsiya

4 lulan ng SUV patay sa ambush

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines — Apat katao ang nasawi makaraang ratratin ang sinasakyan nilang SUV ng mga ‘di pa nakilalang mga armadong suspek habang bumabagtas sa highway ng Brgy. Tubon sa Pigcawayan, dito sa lalawigan kahapon ng umaga.

Sa ulat na nakara­ting kay P/Col. Henry Villar, provincial director ng Cotabato Police Provincial Office, kinilala ang mga nasawi na sina Salahudin Usman, nasa hustong gulang at nakatira sa Brgy Simsiman, Pigcawayan; Sahabudia Kato Latip, 42-anyos ng SK Nuling, Maguinda­nao; Nor Ibrahim Baraguir ng Sultan Kudarat, Maguindanao at Muha­lidin Esmail Amolan, 28-anyos ng Sultan Ku­darat, Maguindanao.

Batay sa ulat, pinagbabaril ang sinasakyan nilang pulang Toyota Innova ng ‘di pa nakila­lang suspek alas-6:30 ng umaga.

Narekober sa crime scene ang kalibre .45 na pistol, mga bala ng M-16 armalite.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang pamamaril. 

vuukle comment

AMBUSH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with