^

Probinsiya

Trader itinumba sa agawan sa lupa

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

2 suspek nakilala ng biktima bago mamatay

Tiaong, Quezon, Philippines  -- Pinagbabaril hanggang sa mamatay ang isang negosyante ng da­­la­wang­ lalaking pinaniniwalaang­ kaagaw nito sa isang lupain sa Sitio Alvarez, Barangay Lusacan ng ba­yang ito, kamakalawa ng gabi.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo at iba’t ibang parte ng katawan ang biktimang si Ramon Miguel, 63, samantalang naaresto naman ang mga suspek na sina Joselito Cabangon at isang alyas Ramilo.

Ayon kay P/Lt. Col. Dennis de Leon, chief of police dito, dakong alas-8:45 ng gabi ay isinasara na ng biktima ang kanyang tindahan nang lapitan at paulanan ng punglo ng mga suspek gamit ang kalibre 45 at cal. 9mm.

Nang matiyak na na­paslang na ang biktima ay mabilis na tumakas ang mga suspek subalit naaresto rin kinalaunan nang kilalanin ng una at sabihin sa anak na si Joel habang ito ay isinusugod sa pagamutan.

Lumalabas sa imbes­tigasyon na agawan sa lupa ang ugat ng krimen.

vuukle comment

SUSPEK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with