^

Probinsiya

84-anyos lolo tigok sa COVID-19

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines — Isang 84-anyos na lolo na nagpositibo sa CO­VID-19 ang nasawi habang ginagamot sa Southern Philippines Medical Center (SPMC) sa Davao City, iniulat kahapon.

Ayon kay Board Member Dr. Philbert Malaluan, ang tagapagsalita ng Task Force COVID-19-North Cotabato, ito ang kauna-unahang COVID-19 patient na naitalang namatay sa North Cotabato. Ang pasyente ay nakatira sa Barangay Sudapin, Kidapawan City at kabilang sa mga nagpalala sa kanyang komplikasiyon ay ang iniinda nitong sakit sa puso at pneumonia.

Una nang nakaranas ng diskriminasyon ang mga residente ng nasabing barangay matapos na maiulat ang pagposi­tibo ng matanda sa virus.

Dahil dito, umakyat na sa 57 ang nasawi sa Rehiyon 12, batay sa ulat ng Center for Health Development ng DOH-12 kahapon. Ang lalawigan ng Sultan Kudarat ang may pinakamaraming kaso na nasa 19, sinusundan ng South Cotabato,18; Cotabato City, 15; North Cotabato, 9; Sarangani, 8; at General Santos City, 4.

vuukle comment

CO­VID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with