^

Probinsiya

Mister lumaklak ng insecticide, tigok

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon
Mister lumaklak ng insecticide, tigok
Kinilala ang biktima na si Arturo Ponce, 38, may-asawa ng nasabing barangay.
STAR/ File

GABALDON, Nueva Ecija, Philippines — Dahil sa hindi umano makayanang sakit na ulcer, isang 38-anyos ang nag-suicide sa pamamagitan ng pag-inom ng insecticide sa Barangay South Poblacion ng ba­yang ito noong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Arturo Ponce, 38, may-asawa ng nasabing barangay.

Ayon sa pulisya, alas-10 na ng umaga noong Huwebes nang matagpuan ng mga residente ang bangkay ng biktima at itinawag sa kanila ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Gabaldon.

Nabatid ng pulisya sa misis ng biktima na si Janeth, 36, umalis ang kanyang mister ng alas-5 ng hapon noong Miyerkules upang ipastol ang kanilang kalabaw ngunit hindi na nakauwi.

Ayon pa sa pulisya, isang bote ng insectide ang natagpuan sa tabi ng bangkay ng biktima.

Kumbinsido naman ang pamilya ng biktima na walang ‘foul play’ na nangyari sa pagkamatay nito dahil madalas umanong sabihin ng biktima sa misis na sobrang sakit na ng ulcer nito at nais na nitong magpatiwakal.

vuukle comment

SUICIDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with