^

Probinsiya

Pekeng dentista dinakma ng NBI

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Isang pekeng dentista ang dinakip ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) sa bayan ng Delfin Albano ng lalawigang ito kahapon ng umaga. 

Nakilala ang suspek na si Jerry Bumanglag, 56, residente ng Barangay San Roque sa nasabing bayan.

Ayon sa ulat ni NBI Provincial Director Timoteo Rejano, ang nadakip na suspek ay isang pekeng doktor na nagpapanggap na isang dentista sa loob ng mahigit 20 taon. Hindi umano mapagkakamalan na peke ang nasabing dentista dahil sa kumpleto ang mga kasangkapan at sertipikasyon sa loob ng kanyang klinika.

Gayunman, isang residente  ang nagbigay ng impormasyon sa NBI matapos mamaga ang ngipin ng isang pasyente na sumailalim sa pagsusuri ng suspek.

Beneripika rin ng NBI sa pamunuan ng Philippine Dental Association-Isabela Chapter ang suspek kung may lisensya bilang doktor pero nakumpirmang nagpapanggap lang .

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9484 o Philippine Dental Act of 2007 ang suspek na nasa kustodya ngayon ng NBI.

vuukle comment

DENTIST

NBI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with