^

Probinsiya

Pagsisilbi ng arrest warrant nauwi sa shootout: 2 todas!

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Pagsisilbi ng arrest warrant nauwi sa shootout: 2 todas!
Kinilala ang mga nasawi na sina Kadali Panigas, 40-anyos, may asawa, magsasaka ng Purok 6, Brgy. Kilada na target sa operasyon at kasamang si Jomarie Ambel alias “Smoke”, 25-anyos, binata, obrero ng Purok 8, Brgy. Kidama; pawang sa Matalam..
STAR/File

NORTH COTABATO, Philippines — Isang wanted sa kasong carnapping na si­sil­bihan ng warrant of arrest at angkas nito ang kapwa bumulagta matapos umanong manlaban sa mga pulis sa National Higway, Purok 4, Brgy. Kilada, bayan ng Matalam sa lalawigang ito kamakalawa.

Kinilala ang mga nasawi na sina Kadali Panigas, 40-anyos, may asawa, magsasaka ng Purok 6, Brgy. Kilada na target sa operasyon at kasamang si Jomarie Ambel alias “Smoke”, 25-anyos, binata, obrero ng Purok 8, Brgy. Kidama; pawang sa Matalam..

Sa imbestigasyon, alas-5:50 ng hapon habang bitbit ng mga pulis ang warrant of arrest laban kay Panigas dahil sa kasong paglabag sa of Republic Act 10883 o New Anti-Carnapping Act of 2016 nang maispatan siya habang sakay ng motorsiklo at angkas si Ambel. Pero imbes na sumuko si Panigas nang tangka siyang arestuhin ay nanlaban umano sa mga pulis habang bumunot din ng granada si Ambel na tangka sanang ihagis sa mga operatiba pero naunahang mabaril.

Naisugod pa sa pa­gamutan ang dalawa pero idineklara silang dead-on-arrival matapos magtamo mga tama ng bala sa katawan.

Narekober sa crime scene ang isang fired cartridge case, mga bala ng cal .38, isang granada at isang kulay itim na Yamaha DT motorcycle na walang plaka. Pitong fired cartridge cases naman ng 5.56mm ang narekober mula sa Toyota Hilux Pick-up na ginamit ng mga pulis matapos na matamo mula sa palitan ng putok.

Nakuha rin ng SOCO team sa bangkay ni Pa­nigas ang isang sachet ng hinihinalang shabu.

vuukle comment

SHOOTOUT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with