^

Probinsiya

18 tenants at vendors nagpositibo sa COVID, public market ipinasara

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

RIZAL, Philippines — Ipinasara at isinailalim sa 14-days lockdown ang New Public Market sa Antipolo City matapos na magpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang 18 tenants at vendors ng na­turang pamilihan.

“Sa bisa ng isang closure order na ipinalabas ngayong araw, June 30, 2020, pansamantalang ipinasara ang Antipolo New Public Market matapos magpositibo sa RT-PCR COVID test ang 18 tenants at vendors nito sa isinagawang expan­ded targeted testing ng pamahalaang lungsod sa nasabing establisyi­mento,” anunsiyo ni Anti­polo City Mayor Andrea Ynares sa isang Facebook post kamakalawa ng hapon.

Dahil dito, agad na nagpatupad ng perimeter control ang pulisya at barangay upang tiyakin na walang makakapasok sa nasabing establisim­yento habang epektibo ang temporary closure sa loob ng 14 araw, batay sa umiiral na panuntunan at magsasagawa rin ng disinfection operations sa pamilihan.

Anang alkalde, Hunyo 25, 2020 nang suriin ang halos 800 tenants at empleyado ng New Public Market at 28 sa kanila ang nag-positibo sa IgM anti-body Rapid test.

Ang 28 IgM positive at 20 iba pang nakitaaan ng sintomas ng sakit ay agad na isinailalim sa RT-PCR test kung saan sila ay kinunan ng swab samples at dinala sa DOH accredited laboratory testing center. Dito nakumpirma na 18 sa kanila ang positibo sa COVID-19 kaya’t kaagad na isinailalim sa mandatory quarantine simula pa noong Hunyo 25.

Sa mga nagpositibo sa sakit, 15 ang resi­dente ng Antipolo habang ang tatlo ay nakatira sa ibang bayan.

vuukle comment

LOCKDOWN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with