^

Probinsiya

Ginang ninakawan na, hinulog pa sa bangin ng kapitbahay

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Ginang ninakawan na, hinulog pa sa bangin ng kapitbahay
Nabasag ang bungo at nagkabali-bali ang mga buto ng biktimang si Flora Ocular, 40, nang marekober ang katawan nito sa matarik na bangin samantalang tinutugis na ngayon ang suspek na nakila­lang si Arjay Tropicales, 26.
File

REAL, Quezon, Philippines — Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang ginang matapos na nakawin ng binatang kapitbahay ang kanyang pera na pambili sana ng telebisyon ay ihinulog pa siya sa bangin kamakalawa ng umaga sa Sitio Ma­yaog, Barangay Pandan ng bayang ito.

Nabasag ang bungo at nagkabali-bali ang mga buto ng biktimang si Flora Ocular, 40, nang marekober ang katawan nito sa matarik na bangin samantalang tinutugis na ngayon ang suspek na nakila­lang si Arjay Tropicales, 26.

Ayon sa ulat ng pulisya, nakita ng suspek ang ginang habang binibilang ang pera nitong P20,000 na pambili ng Smart TV. Habang naglalakad na patungo sa kabayanan dakong alas-6:30 ng umaga ang biktima ay sinundan ng suspek at sapilitang inagaw ang pera nito saka itinulak ang ginang sa malalim na bangin na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with