^

Probinsiya

3 babaeng senglot sumemplang: 1 patay

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
3 babaeng senglot sumemplang: 1 patay
Sa imbestigasyon ni Pat. Jane Marie Rosales, nang maberipika ng pulisya ang report na “source” ng droga ang dalawa sa lugar ay nagsagawa sila ng buy-bust operation. Isang poseur-buyer ng pulisya ang bumili ng shabu sa halagang P5,000 sa dalawang babaeng suspek kaya nang magpositibo ay agad silang dinampot.
STAR/File

Magkakaangkas sa motor kahit bawal 3 babaeng senglot sumemplang: 1 patay

BULACAN, Philippines  -  Isang dalagang propesora sa kolehiyo at kanyang estudyante ang dinakip matapos na makum­piskahan ng shabu sa isang buy-bust operation ng pulisya sa bayan ng Bocaue, dito.

Kinilala ang mga suspek na sina Jessica Rose Enriquez, 26, dalaga, college instructor at Julia Enriquez, 21, dalaga rin, kapwa ng Brgy. San Jose, Dasmariñas City, Cavite.

Sa report ng Bocaue Police, isinagawa ang operasyon laban sa mga suspek nitong Biyernes sa Sitio Ba­lubaran, Brgy. Duhat, Bocaue.

Sa imbestigasyon ni Pat. Jane Marie Rosales, nang maberipika ng pulisya ang report na “source” ng droga ang dalawa sa lugar ay nagsagawa sila ng buy-bust operation. Isang poseur-buyer ng pulisya ang bumili ng shabu sa halagang P5,000 sa dalawang babaeng suspek kaya nang magpositibo ay agad silang dinampot.

Nasamsam sa da­lawa ang 5 sachet ng shabu na nasa 25 gramo at nagkakahalaga ng P75,000, isang weighing scale, isang Toyota Vios (DAZ 6293) na gamit sa kanilang transaksyon at iPhone 11 Matte black.

Sinasabing kapwa nasa PNP at PDEA watchlist ang dalawang dalaga.

vuukle comment

MOTOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with