^

Probinsiya

3 trike inararo ng 10-wheeler: 2 dedo, 2 sugatan

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
3 trike inararo ng 10-wheeler: 2 dedo, 2 sugatan
Ang mga biktima na pawang nagtamo ng grabeng pinsala sa ulo at katawan ay nakilalang na sina Ernie Villamayor, 42, ng Brgy. Buencoseso at Niceto Eva, 62, ng Brgy. Lagyo; pawang driver ng tricycle.
STAR/ File

GUMACA, Quezon, Philippines -  Dalawa ang patay at dalawa ang nasugatan makaraang araruhin ng isang Bicol bound na truck ang tatlong tricycle sa kahabaan ng Maharlika highway na sakop ng Barangay Penafrancia ng bayang ito, iniulat kahapon.

Ang mga biktima na pawang nagtamo ng grabeng pinsala sa ulo at katawan ay nakilalang na sina Ernie Villamayor, 42, ng Brgy. Buencoseso at Niceto Eva, 62, ng Brgy. Lagyo; pawang driver ng tricycle.

Ginagamot naman sa Gumaca District Hospital ang dalawang pasahero na sina Agnes Alejo at Marilou Atip habang masuwerteng hindi nasugatan ang isa pang tricycle driver na si Vincent Marca.

Sa ulat ng pulisya, alas-10:10 ng umaga nitong Biyernes ay minamaneho ni Jevsle Obnamiga, 28, ng Catbalogan Samar ang 10-wheeler truck patu­ngong Bicol nang mawalan ito ng preno at tuluy-tuloy na inararo ang kasalubong na magkakasunod na tatlong tricycle na sakay ang mga biktima.

Pagkabangga sa mga tricycle, nasagasaan pa ang dalawang driver na tumilapon sa highway na agad nilang ikinamatay.

Nasa kustodya ng pulisya ang truck driver na nahaharap sa patung-patong na kaso.

vuukle comment

DRIVER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with