Davao Oriental nilindol
June 28, 2020 | 12:00am
MANILA, Philippines — Nasa 4.4 magnitude na lindol ang tumama kahapon sa Davao Oriental.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dakong alas-2:30 ng madaling-araw nang maramdaman ang pagyanig na ang sentro nito ay nasa 100 kilometro ng timog silangan ng Manay, Davao Oriental.
Umaabot naman sa 32 kilometro ang lalim ng lupa ng pagyanig at tectonic ang pinagmulan ng lindol.
Walang naiulat na pinsala ng lindol dahil tumama ito sa may karagatan at wala ring inasahang aftershocks.
BrandSpace Articles
<
>
Philstar
x
- Latest
Latest
Latest
Recommended