Drug suspek timbog sa P6.8 milyong droga
ANTIPOLO CITY, Rizal, Philippines — Naaresto ng pinagsanib na puwersa ng PNP-Rizal at PDEA ang isang drug suspek sa ikinasang buy-bust operation sa Antipolo City,Rizal,kamakalawa.
Ang naaresto ay kinilalang si John Lennon Tadena aka “Lin”, 23, residente ng Zontaville, Brgy.San Isidro, Antipolo City.
Nakumpiska dito ang nasa isang kilo ng hinihinalang shabu na may market value na P6.8 million, 3 sachets ng pinatuyong marijuana.
Ang suspek ay sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.
- Latest