^

Probinsiya

3 miyembro ng KFR patay sa shootout

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
3 miyembro ng KFR patay sa shootout
Sa ulat na nakara­ting kay Quezon PNP Director PCol. Audie Madrideo, kinilala ang napaslang na suspek na si ex-Patrolman Rico Moog Gutierrez, Jose Alcaira at isang hindi pa nakikilalang lalaki.
Google map

TIAONG, QUEZON, Philippines — Patay ang isang da­ting pulis na sinasabing kasapi ng kidnapping group at dalawa niyang kasamahan makaraang makipagbarilan sa mga otoridad na magsisilbi ng search warrant kahapon ng madaling araw sa Barangay Behia ng bayang ito.

Sa ulat na nakara­ting kay Quezon PNP Director PCol. Audie Madrideo, kinilala ang napaslang na suspek na si ex-Patrolman Rico Moog Gutierrez, Jose Alcaira at isang hindi pa nakikilalang lalaki.

Ayon kay PLt. Col. Dennis de leon, chief of police dito, naki­pag-ugnayan sa kanila ang joint operatives ng Special Operations Unit (SOU), PNP Anti Kidnapping Group-RDB at SAF upang isilbi sa mga suspek ang search warrant na inisyu ni Judge Cynthia Marino Ricablanca, Executive Judge ng RTC 4th Judicial Region, Sta. Cruz Laguna kaugnay sa kasong paglabag sa RA 10591.

Gayunman, dakong alas-2:30 ng madaling araw habang papalapit sa hideout ng mga suspek ang joint operatives ay pinaulanan sila ng bala at gumanti ng putok ang mga otoridad na tumagal ng 15 minuto ang shootout.

Nang wala nang kumikilos sa loob ng bahay ay pumasok na ang mga otoridad at doon na nakita ang mga duguan at walang buhay na nakabulagtang mga suspek.

Narekober buhat sa hideout ng mga suspek ang 2 long rifle, 1 semi auto shotgun, 1 caliber 45, 1 caliber 22 rifle, 1 380 pistol, 1 super 38 ,5 cal.45 at hinihinalang shabu na tumitimbang ng 100 gramo.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with