^

Probinsiya

Magsasaka pinagtataga ng 3 mag-utol

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

Legazpi City, Albay, Philippines — Namatay noon din ang isang 41-anyos na lalaki nang pagtatagain sa ulo ng tatlong magkakapatid na kanyang nasalubong sa daan, kamakalawa ng hapon sa Sitio Inanayan, Brgy. Taloto, Camalig ng nasabing lalawigan.

Ang biktima na halos natanggal ang ulo sa mga tinamong taga ay nakilalang si Allan Lovenia Navarro, magsasaka, residente ng nasabing barangay.

Agad naaresto ang dalawang magkapatid na sina Aljon Lumangaya Mancera, 27; at Abelardo, 45, kapwa residente ng Brgy. Tagas, Daraga habang nakatakas ang kapatid nilang si Domingo, 30, residente ng Brgy. Pa­noypoy.

Sa ulat, alas-3:00 ng hapon ay naglalakad ang biktima kasama ang 16-anyos niyang anak patungo sa ipinastol nilang baka nang sa hindi malamang dahilan ay hinarang siya ng magkakapatid at pagtulungang bugbugin.

Hindi pa nasiyahan ang magkakapatid ay binunot ang dalang mga itak at tinaga sa leeg na halos ikinaputol ng ulo ng biktima.

Nakatakas naman ang anak ng biktima na siyang nagsumbong sa mga pulis.

vuukle comment

MAGSASAKA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with