^

Probinsiya

P.2 milyong marijuana nadiskubre sa abandonadong bahay

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
P.2 milyong marijuana nadiskubre sa abandonadong bahay
Ayon kay P/Lt. Col. Romulo Albacea, chief of police sa lungsod na ito, nakatanggap siya ng tawag sa telepono mula kay Kapitan Luis Vivar tungkol sa mga puno ng marijuana na nasa loob ng isang bahay na apat na taon nang abadonado.
The STAR/Miguel de Guzman, File

LUCENA CITY, Philippines — Aabot sa P200,000 na halaga ng mga tanim na marijuana ang natuklasan sa abandonadong bahay sa Purok Kapisanan 2, Barangay Salinas, dito, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay P/Lt. Col. Romulo Albacea, chief of police sa lungsod na ito, nakatanggap siya ng tawag sa telepono mula kay Kapitan Luis Vivar tungkol sa mga puno ng marijuana na nasa loob ng isang bahay na apat na taon nang abadonado.

Agad inatasan ni Albacea si P/MSgt. Christian Magillano at ilang operatiba ng CDEU na tunguhin ang lugar at nang dakong alas 6:40 ay nakumpirma ang kinaroroonan ng mga tanim na marijuana.

Batay sa pagtataya, aabot sa 750 gramo ang kabuuang timbang ng mga marijuana na inaalam na ngayon kung sino ang nagmamaya-ari nito.

vuukle comment

MARIJUANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with