^

Probinsiya

Kagawad, anak utas sa tandem

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Kagawad, anak utas sa tandem
Kinilala ni Midsayap Police chief Lt. Col. John Miridel Calinga ang mga biktima na sina Kagawad Paitin Lando, 53-anyos, at anak na si Noron Mulod, 18-taong gulang, binata at isang estudyante habang sugatan si Sueb Bala­ting Kalambi, 21, binata, isa ring estudyante; pawang residente ng Barangay Nabalawag sa nasabing bayan.
STAR/ File

NORTH COTABATO, Philippines  - Patay ang isang barangay kagawad at binatang anak na estudyante habang isa pa ang sugatan matapos silang abangan at pagbabarilin ng dalawang ‘di kilalang salarin sa Midsayap-Datu Piang Highway na sakop ng Brgy. Nabalawag, Midsayap, dito sa lalawigan.

Kinilala ni Midsayap Police chief Lt. Col. John Miridel Calinga ang mga biktima na sina Kagawad Paitin Lando, 53-anyos, at anak na si Noron Mulod, 18-taong gulang, binata at isang estudyante habang sugatan si Sueb Bala­ting Kalambi, 21, binata, isa ring estudyante; pawang residente ng Barangay Nabalawag sa nasabing bayan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, sakay sina Lando at Mulod ng isang kulay itim na motorsiklong Honda RS habang sakay naman si Kalambi ng Kawasaki Rouser nang bigla silang paulanan ng punglo ng dalawang suspek na nag-aabang sa gilid ng daan.

Patay agad sa lugar ang mag-ama dahil sa mga tama ng bala sa ulo at katawan habang tumakas ang mga suspect patungong Datu Piang habang ang mga rumespondeng pulis ay dinala ang mga biktima sa ospital sa Poblacion Midsayap.

Rido o family feud ang tinitingnang motibo sa krimen.

vuukle comment

KAGAWAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with