^

Probinsiya

2 nalambat sa drug ops sa Quezon

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Philippines —  Nalambat ng mga operatiba ng Quezon Police at Lucena City Drug Enforcement Unit ang dalawang hinihinalang tulak ng ipinagbabawal na droga at nakumpiskahan sila ng shabu na aabot sa P244,800 sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa ng gabi sa Zaballero Subdivision, Brgy. Gulang-gulang, Lucena, Quezon.

Sa ulat ni Quezon PNP Director P/Col. Audie Madrideo, kinilala ang mga nadakip na sina Rich Aldrin de Belen, 35, ng Barangay Isabang at Kenarf Mongado, 27, ng Gladiola St.; ng nasabi ring barangay; pawang sa Lucena.

Isinagawa ng mga awtoridad ang buy-bust sa mga suspek dakong alas-11:50 ng gabi sanhi ng pagkakasamsam ng tatlong pakete ng ilegal na droga na tumitimbang ng 12 gramo, isang P1,000 marked money, apat na 1,000 boodle money, at ang motorsiklo na kanilang sinakyan.

Hindi naman itinanggi ng mga suspek ang pagkakasangkot nila sa ilegal na gawain.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with