^

Probinsiya

60-anyos pumalag sa kawatan, kinatay

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
60-anyos pumalag sa kawatan, kinatay
Halos maputol na ang leeg at nagmis­tulang kinatay na ha­yop ang katawan dahil sa rami ng tinamong saksak at taga ng biktimang si Hilario Dequiros, magsasaka.
STAR/File

PAGBILAO, Quezon, Philippines — Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang 60-anyos na binata matapos na katayin ng hindi kilalang salarin na nanloob sa kanyang bahay sa Sitio Riverside, Barangay Binahaan, dito sa bayan, kamakalawa ng umaga.

Halos maputol na ang leeg at nagmis­tulang kinatay na ha­yop ang katawan dahil sa rami ng tinamong saksak at taga ng biktimang si Hilario Dequiros, magsasaka.

Ayon kay P/Maj. Reden Romasanta, chief of police dito, noong gabi ng Hun­yo13 ay na­karinig ng mga kalabog mula sa bahay ng biktima ang kanyang mga kapitbahay subalit ipinagkibit-balikat lamang nila ito sa pag-aakalang walang nangyayaring hindi maganda sa matandang binata.

Subalit dakong alas-6:00 ng umaga ay na­tuklasan ang biktima na wala nang buhay at naliligo sa sariling dugo.

May teorya ang pulisya na nanlaban ang biktima sa hindi nakikila­lang suspek na pumasok sa kanyang bahay kung kaya tinuluyan siyang paslangin.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with