^

Probinsiya

Jueteng umarangkada sa gitna ng COVID crisis

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Jueteng umarangkada sa gitna ng COVID crisis
Ayon kay Noli Ferrer, anchor at reporter ng lokal na internet TV station na “My own internet TV”, maliban sa kanya ay maraming nakapansin na nagsimulang magpataya ang mga kolektor ng jueteng noong Hunyo 10. Agad niyang iniulat ito sa kaalaman ng Albay Provincial Police Office.
STAR/File

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Umarangkada na ang pagpapataya ng ile­gal na operasyon ng jueteng sa ilang lugar sa lalawigan ng Albay sa gitna ng pandemic crisis ng COVID-19 matapos na makitang nagpapataya ang mga collector simula noong nakaraang linggo.

Ayon kay Noli Ferrer, anchor at reporter ng lokal na internet TV station na “My own internet TV”, maliban sa kanya ay maraming nakapansin na nagsimulang magpataya ang mga kolektor ng jueteng noong Hunyo 10. Agad niyang iniulat ito sa kaalaman ng Albay Provincial Police Office.

Sinabi ni Ferrer na sa kanyang lugar sa Brgy. Bogtong, Legazpi City ay nakita nito mismo ang mga nagpapataya. Karamihan aniya ng mga kubrador ay mga senior citizens na nakasuot pa ang ilan ng uniporme ng Philippine Cha­rity Sweepstakes Office (PCSO) at ginagamit na front sa pagpapataya ang papel ng PCSO “Perya­han Throw Coins”.

Peligroso rin umano dahil nawawala ang social distancing sa pagitan ng tumataya at nagpapataya.

Kinumpirma naman ni Nelly Loyola, branch manager ng PCSO sa Albay, na wala pa silang pinapayagan o binibig­yan ng prangkisa o permit para makapagpataya ng sugal o anumang laro ng PCSO.

Ayon kay Capt. Dexter Panganiban, taga­pagsalita ng Albay Police, ipararating niya sa mga hepe ng pulisya ang pagbabalik ng operasyon ng nasabing ilegal na sugal sa lalawigan para sa agarang aksyon.

vuukle comment

COVID-19

JUETENG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with