^

Probinsiya

Police station inatake ng Abu Sayyaf: 2 parak utas

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Police station inatake ng Abu Sayyaf: 2 parak utas
Dead-on-arrival sa Parang Municipal Hos­pital sina Patrolman Arjun Putalan at Corporal Mudar Salamat habang ginagamot sa nasabing ospital ang dalawa pang pulis na sina Exe­cutive Master Sergeant Hamin Sarribon at Senior Master Sergeant Harold Nieva.
Philstar.com/File

MANILA, Philippines — Patay ang dalawang pulis habang dalawa pang kabaro ang sugatan nang salakayin ng pinaniniwalaang mga miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang Parang Municipal Police Station sa Sulu kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa  Parang Municipal Hos­pital sina Patrolman Arjun Putalan at Corporal Mudar Salamat habang ginagamot sa nasabing ospital ang dalawa pang pulis na sina Exe­cutive Master Sergeant Hamin Sarribon at Senior Master Sergeant Harold Nieva.

Sa report na nakarating sa Camp Crame, dakong alas-6:30 ng gabi nang lumusob ang hindi pa batid na bilang ng mga armadong grupo sa Parang Municipal Police Station na matatagpuan sa Brgy. Poblacion, Parang, Sulu.

Pinaputukan ng ma­tataas na uri ng armas ng mga suspek ang nasabing istasyon ng pulisya dahilan upang dumepensa ang mga nasorpresang pulis na naka-duty ng mga oras na ‘yon para ipagtanggol ang kanilang station.

Ang palitan ng pu­tok ay tumagal ng ilang mi­nuto na ikinalagas ng da­lawang pulis habang nasugatan ang dalawa pa.

Tumakas ang mga hinihinalang terorista pa­tungo sa bayan ng Indanan.

Naglunsad na ng ope­rasyon ang militar at ele­mento ng PNP Special Action Force (PNP SAF) laban sa mga tumatakas na mga bandido.

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

POLICE STATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with