^

Probinsiya

Retiradong parak dedo sa 6-wheeler truck

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Retiradong parak dedo sa 6-wheeler truck
Base sa ulat ni PMaj. Jaytee Tiongco, chief of police dito, kinilala ang biktima na si retired PMSgt.Reynaldo Diaz, 53, may asawa at residente ng Barangay Sumilang.
STAR/File

CALAUAG, Quezon, Philippines — Hindi na uma­bot pang buhay sa ospital ang isang retiradong pulis makaraang bumangga sa kasalubong na 6-wheeler truck ang sinasakyang motorsiklo sa highway na sakop ng Sitio hugos, Brgy. Sta. Maria, dito sa bayan kamakalawa ng hapon.

Base sa ulat ni PMaj. Jaytee Tiongco, chief of police dito, kinilala ang biktima na si retired PMSgt.Reynaldo Diaz, 53, may asawa at residente ng Barangay Sumilang.

Lumalabas na patungo sa kabayanan ang biktima at minamaneho ang kanyang Yamaha Mio 125 dakong alas-5:30 ng hapon nang pagsapit sa pakurbadang bahagi at basang kalye bunsod ng ulan ay nawalan siya ng kontrol sa manibela at kinain ang linya ng kasalubong na Bicol bound six wheeler truck (WPJ-360) na minamaneho ni Marvin Lovena na taga Camarines Norte.

Bumangga ang motorsiklo sa harapan ng trak kaya matin­ding pin­sala ang inabot ng biktima. Mabilis siyang dinala sa St. Peter Ge­neral Hospital subalit nalagutan ng hininga sa daan pa lamang.

vuukle comment

PATAY

TRUCK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with