^

Probinsiya

Frontliners pinarangalan sa Bulacan

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Inialay ng mga Bulakenyo sa mga frontliners ng iba’t ibang propesyon sa paglaban sa sakit na coronavirus disease (COVID-19), ang pagdiriwang ng Ika-122 anibersaryo ng proklamasyon ng Kala­yaan ng Pilipinas.

Sa ginawang pagdiriwang sa gitna ng pagbuhos ng ulan dulot ng bagyong “Butchoy” kamakalawa, ipinaskil ng mga opisyal ng Bulacan sa pangunguna ni Gobernador Daniel Fernando at Malolos City Mayor Gilbert “Bebong” Gatchalian ang mga karatula ng pagpapasa­lamat sa mga frontliners matapos mag-alay ng bulaklak sa monumento ni Pa­ngu­long Emilio Aguinaldo at maitaas ang watawat ng Pilipinas.

Nakasaad ang dalawang salitang “Salamat Frontliners” na siyang diwa rin ng tema ng pagdiriwang ngayong taon na “Tungo sa Malayang Bansa, Nagbabayanihan at Ligtas”.

Dito binigyang diin ni Gob. Fernando na “walang makakapigil sa pagtataas ng bandila ng Pilipinas at sabay-sabay tayong patuloy na lalaban sa sakit na ito.” Ibinalita rin niya na “stable” o matatag ang kalagayan ng Bulacan hinggil sa pagsugpo sa COVID-19.

Patunay aniya rito ang ilang araw nang hindi pagtaas ng bilang ng mga namamatay. Nakapako pa rin sa 31 ang bilang ng mga namatay mula pa noong isang linggo.

Sinabi naman ni Mayor Gatchalian na ang ganap na Kalayaan sa sakit na COVID-19 ay nakasalalay sa pagbabayanihan at disiplina na makasunod sa mga alintuntunin para sa ikagagaling ng lahat.

Aniya, nilagdaan na niya ang ipinasa ng Sangguniang Panglungsod ng Malolos na nagbibigay kapangyarihan na pagkalooban ng tig-P2,000 ang mga frontliners sa barangay bilang bahagi ng pagpapahalaga sa kanilang mga sakripisyo ngayong may pandemya.

vuukle comment

COVID-19

FRONTLINERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with