^

Probinsiya

Cavite massacre: 3 patay!

Joy Cantos, Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Cavite massacre: 3 patay!
Dahil lamang sa pagseselos, minasaker ng isang barangay kagawad ang dati niyang live-in partner, anak nitong babae at isa pang kaanak matapos sumugod sa tahanan ng mga biktima upang makipagbalikan na tinanggihan naman ng ginang sanhi ng masaker sa Brgy. Paliparan 3, Dasmariñas City, Cavite nitong Biyernes ng gabi.
Cristina Timbang

Kagawad naburyong dahil sa matinding selos

CAVITE, Philippines – Karumal-dumal na pagkamatay ang sinapit ng tatlong babae kabilang ang isang mag-ina makaraang imasaker ng isang barangay kagawad na  dating kinakasama ng isa sa mga biktima dahil sa matinding pagseselos kamakalawa ng gabi sa Brgy. Paliparan 3, Dasmariñas City.

Kinilala ang mga napatay na sina  Rogima Sambalunes, 44-anyos, anak nitong si Kemberly, 23, at isa pang kamag-anak na si Ronalyn Ba­culao, 33; pawang residente ng Blk 201, Phase 5, Brgy. Paliparan 3, Dasmariñas City, Cavite.

Naaresto naman ang suspek sa follow-up ope­ration ng pulisya na si Reynaldo Bucal, nasa hustong gulang, dating live-in partner ni Rogima at kagawad sa naturang barangay.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Elmo Caboboy, alas-8:22 ng gabi nang magtalo ang mag-live-in partner dahil sa umano’y selos.

Matinding galit umano ang umiral sa suspek hinggil sa umano’y hindi pag-amin ng biktima na may ibang karelasyon at umayaw na muling makipagbalikan.

Dahil dito, agad na bumunot ng baril ang suspek at pinagbabaril ang ginang at isinunod si Baculao. Nagawa namang makatakbo palabas ng bahay ang anak ni Rogina na si Kemberly subalit dito na siya ina­butan ng pagkamatay.

Mabilis na tumakas ang suspek sakay ng kulay green na Hi-Ace van (TRI 739) pero agad na naaresto ng mga rumes­pondeng pulis.

vuukle comment

SUSPEK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with