^

Probinsiya

Magdyowa nalambat sa P.2 milyong shabu

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Philippines –  Arestado ang mag-live-in partner, isang lalaki na kabilang sa talaan ng mga bagong tulak ng ipinagbabawal na dro­ga makaraang makumpiska­han ng shabu na aabot sa P.2 milyong halaga sa anti-drug ope­ration ng Lucena PNP-DEU, PDEU, PDEA at 403rd Maritime group kamaka­lawa ng gabi sa Executive Village, Barangay Mayao Kanluran.

Kinilala ni P/Lt. Col. Romulo Albacea, chief of police dito ang mga nadakip na sina Randy Rivera, 43 at Perly Cuerdo, 34.

Isinagawa ng mga awtoridad ang buy-bust operation sa mga suspek sa kanilang bahay bandang alas-8:30 ng gabi.

Aabot sa 13 plastic sachet ng shabu na tumi­timbang ng 9.8 gramo na nagkakahalaga ng P199,920.00, isang P500 marked money at mga drug paraphernalia ang nakumpiska mula sa mga suspek.

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with