^

Probinsiya

Magkaibigan nadulas sa ilog, patay

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Kapwa patay ang dalawang magkaibigan matapos na parehong nadulas at nahulog sa malalim na bahagi ng ilog makaraang magkayayaan ang kanilang tropa na maligo sa Bicol River sa Zone-3, Brgy. Ombao sa Bula, Camarines Sur kamakalawa. Kinilala ang mga biktima na si Jenibeth Esta Saen, 14-anyos, residente ng nasabing lugar at Jerick Dacillo Morallo, 21, ng Brgy. San Agustin.

Sa ulat, dakong alas-2 ng hapon nagkasundo ang mga biktima kasama ang kanilang mga kaibigan na maligo sa Bicol River.

Gayunman, habang nasa tabi ng ilog ay aksidenteng nadulas si Saen at Morallo at nahulog sa malalim na bahagi. Kahit hindi marunong lumangoy ay sinaklolohan pa ni Morallo si Saen na nalulunod na hanggang sa pareho na silang lumubog.

Rumesponde ang mga residente at opisyal ng barangay pero pareho nang patay ang magkaibigan nang matagpuan.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with