^

Probinsiya

1 pa dedo sa buy-bust

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon
1 pa dedo sa buy-bust
Sa ulat ni P/Major Jaime Ferrer, hepe ng Zaragosa Police Station, nakilala ang suspek na si August Madrid, ng Blk 19, Cecilia Village, Cabanatuan City. Sa ulat, ala-1:30 ng madaling-araw, nagsagawa ng buy-bust operation ang pulisya sa naturang lugar nang makatunog umano ang suspek na pulis ang kanyang ka-transaksyon.
STAR/File

NUEVA ECIJA, Philippines — Patay ang isang hinihinalang drug suspect matapos makipagbarilan sa mga pulis sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. General Luna, Zaragosa, dito kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat ni P/Major Jaime Ferrer, hepe ng Zaragosa Police Station, nakilala ang suspek na si August Madrid, ng Blk 19, Cecilia Village, Cabanatuan City. Sa ulat, ala-1:30 ng madaling-araw, nagsagawa ng buy-bust operation ang pulisya sa naturang lugar nang makatunog umano ang suspek na pulis ang kanyang ka-transaksyon.

Tinangkang barilin ng suspek ang mga operatiba pero sumablay na sinundan ng barilan na ikinabulagta ng suspek. Nakuha sa crime scene ang 10 sachet ng hinihinalang shabu, P500 marked money, motorsiklo (8495 HY) at kalibre .38 na may 4 na bala Nabatid na nasa talaan ng drug watchlist ng Cabanatuan City Police Station ang suspek.

vuukle comment

BUY-BUST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with