^

Probinsiya

Ampatuan, Maguindanao nasa ‘state of calamity’

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Ampatuan, Maguindanao nasa �state of calamity�
Ito ay dahil sa patuloy na paglobo ng bilang ng mga pamilyang nagsisilikas mula sa kani-kanilang mga bahay kaya minabuti ng lokal na pamahalaan ng Ampatuan na magdeklara ng state of calamity upang magamit ang kanilang calamity fund sa pagbibigay ng tulong sa mga bakwit.
STAR/File

MAGUINDANAO, Philippines — Isinailalim na sa “state of calamity” ang Ampatuan, Maguindanao dahil sa nagpapatuloy na bakbakan ng mga sundalo at Bangsa-mo­ro Islamic Freedom Fighters o BIFF sa bayan, iniulat kahapon.

Ito ay dahil sa patuloy na paglobo ng bilang ng mga pamilyang nagsisilikas mula sa kani-kanilang mga bahay kaya minabuti ng lokal na pamahalaan ng Ampatuan na magdeklara ng state of calamity upang magamit ang kanilang calamity fund sa pagbibigay ng tulong sa mga bakwit.

Nabatid na patuloy na naglulunsad ng air to ground assault ang militar sa kuta ng BIFF sa boundary ng Datu Hoffer at Ampatuan, Maguindanao. Patuloy ring tinutugis ng Joint Task Force Central ang grupo nina Kumander Salahudin Hassan at Shiekh Esmail Abdulmalik alyas Kumander Abu Toraife ng BIFF.

Sa ngayon, umaabot na sa 20 ang bilang ng mga nasawi sa BIFF habang apat sa panig ng militar. 

vuukle comment

STATE OF CALAMITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with