^

Probinsiya

Klase sa Kidapawan kanselado sa coronavirus

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Klase sa Kidapawan kanselado sa coronavirus
Sinabi ni Evangelista na nais niyang protektahan ang mga mamamayan lalo na ang mga kabataan sa banta ng COVID-19, kaya’t inutos nito ang kanselasyon ng klase mula kindergarten hanggang kolehiyo.
STAR/Miguel De Guzman/File

KIDAPAWAN CITY, Philippines — Ipinag-utos ni City Mayor Joseph Evangelista ang kanselasyon ng klase sa lahat ng antas at mga paaralan simula kahapon Marso 13 hanggang sa Marso 22.

Sinabi ng alkalde na nagpalabas na siya ng Executive Order para sa naturang kanselasyon ng klase kahapon.

Dahil dito, lahat ng mga school-initiated activities at mga commencement o mo-ving-up exercises na nataon sa naturang mga araw ay postponed rin. ‘Di lang tiyak kung maging ang trabaho sa city hall ay kanselado rin.

Sinabi ni Evangelista na nais niyang protektahan ang mga mamamayan lalo na ang mga kabataan sa banta ng COVID-19, kaya’t inutos nito ang kanselasyon ng klase mula kindergarten hanggang kolehiyo.

Nauna nang kinansela ni Evangelista ang street carnival o ang thematic costume at Mardigras street parade at drum and lyre contests na unang itinakda sa Marso 14 dahil pangunahin sa mga partisipante ay mga mag-aaral sa elementarya at hayskul. 

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with