^

Probinsiya

2 ‘pusher’ todas sa shootout

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Parehong bulagta ang dalawang pinaniniwalaang drug pusher matapos na umano’y manlaban sa mga pulis sa ginawang buy-bust operation laban sa kanila sa Diversion Road ng Zone-3, Brgy. Bahay, Libmanan, Camarines Sur kahapon ng madaling araw.

Dead-on-the-spot ang mga suspek na kinilalang sina Rodolfo Narciso Jr., 49-anyos ng San Ramon Street, Brgy. Penafrancia at Ruel Narciso, 35, ng Brgy. Cararayan, pawang taga-Naga City.

Sa ulat, dakong alas-4:50 ng madaling araw magkatuwang na inilatag ng drug enforcement unit ng Regional Intelligence  Division ng Camp Gen. Simeon Ola, Provincial Intelligence Branch at Libmanan Police sa pangunguna ni Lt. Col. Joselito Esico ang buy-bust laban sa dalawa na sinasabing magkamag-anak. Gayunman, nang i-abot ang binibiling shabu na nagkakahalaga ng P50,000 ay nakahalata ang mga suspek kaya bumunot umano ng baril dahilan para barilin ng mga nakatagong operatiba ang dalawa na agad nasawi.

Nakuha mula sa mga napatay ang limang mala-laking sachet ng shabu na nasa P1.5 milyon, isang kalibre 45 at isang kalibre 38 baril.

vuukle comment

SHOOTOUT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with