^

Probinsiya

Dalagita ginahasa, pinatay sa maisan

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Dalagita ginahasa, pinatay sa maisan
Hinihinalang ginahasa bago sinakal hanggang mapatay ang biktimang si Baby Jane Francisco, 15- anyos, residente sa nabanggit na lugar.
STAR/File

MAGUINDANAO, Philippines — Isang dalagita ang natagpuang patay sa isang maisan sa Sitio Rakef, Barangay Blensong, Upi, Ma­guindanao.

Hinihinalang ginahasa bago sinakal hanggang mapatay ang biktimang si Baby Jane Francisco, 15- anyos, residente sa nabanggit na lugar.

Ayon kay Police Staff Sgt. Vincent Gamino, hepe ng Upi Municipal Police Station, pasado alas-8:00 ng umaga nitong Miyerkules nang makatanggap ng tawag ang kanilang himpilan mula sa barangay official na nagsasabing may natagpuang bangkay sa maisang bahagi ng Sitio Rakef.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng mga pulis­ya, pinaniniwalaang pinatay sa sakal ang biktima dahil may nakataling jogging pants sa kanyang leeg.

Napag-alaman din ng pulisya na noon pang Linggo nawawala ang biktima subalit hindi ito inireport ng kanyang mga magulang sa mga awtoridad.

Hanggang sa natagpuan na lamang itong wala nang buhay sa gitna ng taniman ng mais sa Sitio Rakef.

Napunta ang biktima sa lugar kasama ang dalawa pa nitong kapatid upang du­malo lamang sa isang handaan noong gabi ng Sabado (March 7) su­balit hindi na ito nakauwi pa sa kanilang bahay.

Sa ngayon, nagsasagawa na ng malalimang imbestigasiyon ang pulisya para matukoy ang suspek at mapanagot sa batas.

vuukle comment

PATAY

RAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with