^

Probinsiya

Palayan local execs Pinagpapaliwanag

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

Sa kasong graft

NUEVA ECIJA, Philippines — Pinagpapaliwanag ng Opisina ng Deputy Ombudsman for Luzon ang mga opisyal ng pamahalaan ng lunsod ng Palayan hinggil sa kasong katiwalian na isinampa laban sa kanila ng isang concerned citizen.

Sa dalawang pahinang dokumento na pirmado ni Director Joaquin F. Salazar, Preliminary Investigation, Administrative Adjudication and Prosecution Bureau, nakilala ang mga respondent na sina Palayan City Vice Mayor Moises A. Carmona Jr., ang mga konsehal na sina Larry M. Manapol, Romaric S. Capinpin, Rosalia Merez, at ang mga dating konsehal na sina Paul Michael O. Padolina, Jesusa V. Fajardo, Edgardo M. Piadozo, at Reynaldo T. Fernandez.

Hinihiling ng Ombudsman ang kanilang sagot o counter affidavit at mga  supporting documents ng kanilang mga testigo laban sa kasong isinampa sa kanila.

 Ito ay dapat  masagot  sa  loob ng 10 araw at ipadala sa opisina ng Ombudsman   ang nasabing Counter affidavit.

Ayon pa sa nasabing order, kapag hindi ito nasagot ay ikinokonsidera na nag-waive ang mga respondent at itutuloy na ang imbestigasyon sa naturang kaso.

vuukle comment

GRAFT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with