^

Probinsiya

P102 milyong shabu samsam, ‘main source’ ng droga tiklo

Cristina Timbang, Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
P102 milyong shabu samsam, �main source� ng droga tiklo
Arestado ang tatlong umano’y bigtime na tulak ng droga matapos na masamsaman ng 15 kilong shabu na nagkakahalaga ng P102 milyon na nakalagay sa tea bags sa isinagawang buy-bust operation ng PDEA-NCR at Bacoor City Police sa Brgy. Talaba 4, Bacoor City, Cavite kamakalawa.
Cristina Timbang

MANILA, Philippines — Umaabot sa 15 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P102 milyon na nakasilid sa mga tea bags ang nasamsam ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at pulisya sa tatlong dayo kabilang ang itinutu-ring na “main source” ng droga sa Cavite sa isinagawang buy-bust operation sa Molino Blvd., Aguinaldo Highway, Brgy. Talaba 4, Bacoor City kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Cavite Provincial Director P/ Lt. Col. Marlon Santos ang mga suspek na sina Ronnie Mardoquio Menodiado alias “Boy” na sinasabing pa­ngunahing pinangga­lingan ng iligal na droga, 38-anyos ng Estrella, Pasay City; Victorio Vida Najera, 35, ng Cuyegking, Pasay City at Annie Rosa Torres Ligua, mas kilala sa tawag na “Ate”, 30, ng Iligan City.

Iniharap naman kahapon sa mga mamamahayag ni PDEA chief Director General Aaron Aquino ang tatlong suspek at kilo-kilong droga na nakumpiska sa ope­rasyon.

Sa ulat ng pulisya, ikinasa ng PDEA-NCR-MDO, PDEA IV-A, PDEA-RO IX at Bacoor City Police-SDEU ang malakihang buy-bust laban sa tatlong suspek kasunod ng mga naunang serye ng buy-bust ang pulisya at nang magkapalagayang-loob ay saka ikinasa ang ma-lakihang transaksyon.

Maingat at matinding pagpaplano ang isinagawa hinggil sa mas­yado umanong matinik ang mga suspek.

Sakay ng isang Honda Jazz (VEM 955) ang mga suspek nang dumating sa lugar ng transaksyon dakong ala-1 ng hapon kung saan nakaabang na ang poseur buyer na agad na lumapit sa sasakyan. 

Nang magpositibo ang deal, agad na sumenyas ang poseur buyer sa mga nakaantabay na PDEA agents at pulis hanggang sa palibutan nila ang mga suspek na hindi na nakapalag nang arestuhin.

Narekober sa mga suspek ang may 15 open green foil packs na may label na Guan-yinwang na Chinese tea bags na naglalaman 15 kilogram na shabu, naka-bundle na pera, cellphones at kotse na Honda Jazz (VEM 955).

Ayon kay Aquino, ang grupo ni Menodia­do ang siyang nagdi-distribute ng illegal drugs sa ilang parte ng Metro Manila at Zamboanga City.

Sinabi pa ni Aquino, target ng grupo ni Menodiado ang mga college students sa kanilang pagbebenta ng bawal na gamot.

vuukle comment

PDEA

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with