^

Probinsiya

P25 dagdag sahod sa Bicol ipatutupad

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

Legazpi City, Albay, Philippines — Inilabas na kahapon ang kautusan ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Region 5 ang panibagong P25 dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa sa buong Bicol.

Sa pulong balitaan kahapon sa DOLE-Regio­nal Office, sinabi ni Atty. Joel Gonzales, DOLE regional director na nakatakdang ipatupad ang unang P10 dagdag sahod sa unang linggo ng Abril, 15 araw matapos mailathala ang Wage Order Number 20 sa mga lokal na pahayagan habang sa Hulyo 1 naman ibibigay ang balanseng P15.

Dahil dito, ang dating P310 minimum na arawang sahod sa Kabikolan ay magiging P335 na, epektibo sa Hulyo 1.

Sinabi ni Gonzales na maging ang mga kasambahay ay dinagdagan ng buwanang sahod na P1,000.

Kung sa mga lungsod at first class na munisipyo ay nasa P3,000 ang buwanang sahod ng mga kasambahay, ito ay magiging P4,000 na simula sa darating na Abril. Ang mga sumasahod naman ng P2,500 ay tatanggap na ng P3,500 bawat buwan.

vuukle comment

DOLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with