^

Probinsiya

2 Chinese huli sa pagdukot ng 3 kalahi

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang Chinese national na nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) ang dinakip sa isinagawang entrapment operation matapos dukutin ang tatlo nilang kababayang Tsino kahapon.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina A Gui at Xiao Fan, na kapwa naninirahan sa Techwood Subdivision Barangay Soong, Lapu-Lapu City.

Sa ulat ng Cebu Police, madaling-araw nang ilatag ang operasyon kasama ang Anti-Kidnapping Group Visayas Field Unit nang makarating sa kanilang tanggapan mula sa Chinese Consu-late na tatlong Chinese national ang dinukot at itinago ng mga suspek sa isang subdivision sa Brgy. Mactan, Lapu-Lapu, Cebu. Dito, hini­hi­ngian ng mga suspek ng malaking halaga ang tatlong biktima kapalit ng kanilang kalayaan.

Hindi naman nakapalag ang mga suspek nang posasan ng mga otoridad habang ligtas ang tatlong biktima.

vuukle comment

PHILIPPINE OFFSHORE GAMING OPERATOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with