^

Probinsiya

P23 milyong droga nasamsam sa Cordillera

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
P23 milyong droga nasamsam sa Cordillera
Sinabi ni Lacuata, P21 milyong halaga ng marijuana ang nakuha sa ilang bayan ng Benguet Provincial Police Office habang nasa P2.1 mil­yon sa Mountain Province.
Miguel de Guzman/ File

CORDILLERA, Philippines — Umaabot sa P23.4 mil­yong halaga ng iligal na droga mula sa iba’t ibang operas­yon sa rehiyon ang winasak ng Police Regional Office Cordillera (PROCOR)

Ayon kay PROCOR information officer Maj. Carolina Lacuata, nagresulta rin sa nasabing operasyon ang pagkakaaresto ng 40 katao dahil sa pagbebenta, pagdadala at pagkakaroon ng mga iligal na droga.

Sinabi ni Lacuata, P21 milyong halaga ng marijuana ang nakuha sa ilang bayan ng Benguet Provincial Police Office habang nasa P2.1 mil­yon sa Mountain Province.

Ani Lacuata, sa buwan ng Pebrero, nasa kabuuang 44 na police operations ang ginawa kung saan 40 drug suspects ang naaresto at nakumpiska ang nasa 68 sachet ng hinihinalang shabu; 2 sachet ng marijuana; 30ml ng marijuana oil; 3 marijuana tubes; 6 marijuana bricks; 68,924 marijuana plants; 2,100 seedlings; 9,500 marijuana stalks, at 46.51 kilo ng marijuana leaves na may kabuuang halaga na P23.42 milyon.

Apat na marijuana cultivators ang kinilala at kinasuhan sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

vuukle comment

CAROLINA LACUATA

MARIJUANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with