^

Probinsiya

HS student tigok sa kagat ng aso!

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
HS student tigok sa kagat ng aso!
Kinilala ang nasawi na si Pinky Tuble, 16-anyos, Grade 10 student ng Mlang National High School at residente ng nasabing lugar.
Philstar.com/File

Inilibing sa mismong kaarawan

NORTH COTABATO , Philippines —  Patay ang isang dalagitang estudyante matapos na makagat ng asong may rabies at inilibing sa mismong kaarawan nito sa Brgy. Bialong, Mlang, dito sa lalawigan, iniulat kahapon.

Kinilala ang nasawi na si Pinky Tuble, 16-anyos, Grade 10 student ng Mlang National High School at residente ng nasabing lugar.

Nasawi nitong araw ng Linggo ang dalagita kung saan noon pang Disyembre nakagat ng tuta matapos niyang hulihin dahil sa sunod nang sunod ito sa kanya habang nag jo-jogging.

Sa halip na magpaturok ng anti-rabies vaccine ay sa “tandok” dumulog ang dalagita para magpagamot. Wala naman daw naramdaman na kakaiba sa katawan ang dalagita pero nitong Marso 1 ay nakaranas na siya ng sintomas na dala ng rabies virus hanggang sa mamatay.

Kinabukasan, Marso 2 na mismong araw ng kanyang kapanganakan ay agad na inilibing si Pinky at ang nakakalungkot, kakalibing lang ng kanyang lolo noong isang araw kaya’t doble dagok at pagdadalamhati ang dinaranas ng pamilya Tuble.

Kahapon, nagtungo sa lugar ang mga health personnel mula sa North Cotabato Provincial Health Office upang turukan ng anti-rabies vaccines ang mga kaanak ng nasawi na nakasalamuha nito sa nakalipas na mga araw.

vuukle comment

PINKY TUBLE

RABIES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with