Bangka pumalya: 8 pulis, 1 pa nasagip ng PCG
MANILA, Philippines — Nailigtas ng mga maagap na tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang nasa walong tourist police at isang sibilyan na sakay ng isang bangkang de-motor na nanganib na lumubog sa karagatang sakop ng Cavite kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang mga nasagip na sina P/SSgs. Harry Narial, 43; Andrei Abesamis, 37; Ma. Suzette Bayag-o, 31; PCpls. Marry Jane Basilan, 38; Naty Edas, 33; Patrolmans Nurina Asdi, 37; Laurence Palomino, 34 at Glen Ibasko, 32. Nabatid na pawang mga miyembro sila ng Cavite Tourist Police Station.
Kasama ring nailigtas ang operator ng bangka na si Ramon Subay, 43, residente ng Tanza, Cavite.
Sa ulat, nakatanggap ang PCG-Cavite Station ng distressed signal mula sa isang motor banca na nasa 5.62 nautical miles sa timog silangan ng Tanza, Cavite dakong alas-7:41 ng gabi. Nagkaroon ng engine trouble ang motor banca na “Neslyn” at halos kumalahati na rito ang napasok ng tubig-dagat, isang oras bago sila mailigtas ng PCG sa ikinasang search and rescue operation sa dagat.
- Latest