^

Probinsiya

Gang member nangikil ng 2 trader, utas sa parak

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Bulagta ang isang 46-anyos na umano’y kasapi ng criminal gang matapos na maki­pagbarilan sa mga pulis sa ginawang entrapment operation makaraang ireklamo ng dalawang negosyante nang pangingikil sa Sitio Indang, Brgy. Tapayas, Balatan, Camarines Sur kamakalawa.

Dead-on-the-spot ang suspek na si Stanley Bernisca Veloso, residente ng Brgy. Pagatpatan, Bato, Balatan.

Sa ulat, dakong alas-3 ng hapon nang ilatag ng mga tauhan ng Camarines Sur Police Mobile Force Company at Balatan Police ang entrapment operation laban kay Veloso na nagpapakilalang kasapi ng “Bragais Criminal Gang” makaraang ireklamo ng pangingikil ng tig-50 libong piso at humihingi pa ng baril sa mga negosyanteng sina Ruben Brasos at Gigie Cuarto-Bermido, kapwa ng Brgy. Duran, nasabing bayan.

Sa kanilang kasunduan, ilalagay ng dalawang trader ang pera at baril sa tabi ng kalsada ng barangay at doon kukunin ng suspek. Gayunman, nang dadamputin na ito ng suspek ay nagsilabasan ang mga operatiba pero nanlaban umano ang una sanhi ng shootout na kanyang ikinabulagta.

Nakuha sa lugar ang kalibre 45 baril, boodle money na ginamit sa entrapment, mga bala at motorsiklo na gamit sa kanyang iligal na operasyon.

Gang member nangikil ng 2 trader, utas sa parak

Jorge Hallare

vuukle comment

STANLEY BERNISCA VELOSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with