^

Probinsiya

Nang-rape slay sa 10-anyos na PWD, pumalag sa aresto, dedo

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Nang-rape slay sa 10-anyos na PWD, pumalag sa aresto, dedo
Kinilala ng pulisya ang napaslang na suspek na si Mauro Cargar, 63, biyudo at residente ng Brgy. Ilayang Alsam, Tayabas City.
STAR/File

TAGKAWAYAN,QUEZON, Philippines — Patay ang pa­ngunahing suspek sa pamamaslang at panggagahasa sa isang 10-anyos na babaeng Persons With Disability (PWD), ito ay makaraang mabaril ng mga pulis na aaresto sa kanya kahapon sa Brgy.  Aldavoc ng bayang ito.

Kinilala ng pulisya ang napaslang na suspek na si Mauro Cargar, 63, biyudo at residente ng Brgy.  Ilayang Alsam, Tayabas City.

Base sa inisyal na imbestigasyon, si Cargar ang itinuturo ng mga saksi na siyang dumukot, gumahasa at pumaslang sa pamamagitan ng pagsakal at pagbagsak ng bato sa mukha ng biktimang itinago sa pangalang Mara noong Pebrero 19, 2020.

Makaraan umano ang pamamaslang at panggagahasa sa biktima ay nagtago sa Tagkawayan, Quezon ang suspek.

Nang makakuha ng impormasyon sa kinaroroonan ng suspek ay agad na tinungo ni Maj. Mark Amat, chief of police ng Tayabas City PNP at mga operatiba nito ang kubo ng suspek dakong alas-3:00 ng hapon.

Sinikap ng grupo ni Amat na pasukuin ng mapayapa ang suspek subalit tinangka nitong ihagis ang hawak na granada kung kayat inunahan na siyang barilin hanggang mapatay.

vuukle comment

PWD

RAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with