^

Probinsiya

Lola sinuwag ng motor, dedo

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Lola sinuwag ng motor, dedo
Kinilala ang biktima na si Monera Nonok, 67-anyos, residente my B1, L6B, Orchid Drive, South Garden Homes Subd., Salitran 3, Dasmariñas City.
STAR/File

CAVITE, Philippines — Isang 67-anyos na lola ang nasawi matapos na suwagin ng isang motor habang tumatawid sa Brgy. Salitran Dasmariñas City, lalawigang ito kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Monera Nonok, 67-anyos, residente my B1, L6B, Orchid Drive, South Garden Homes Subd., Salitran 3, Dasmariñas City.

Hawak na ng pulisya ang driver ng motorsiklo na si Rysan Custodio, 22-anyos ng BC3, L8, Luzviminda II, Dasmariñas City. Sa ulat, pasado alas-3 ng hapon habang tumatawid ang biktima nang tumbukin siya ng isang Motorstar MC na minamaneho ni Custodio.

Sa lakas ng pagkakasalpok, tumilapon ang matanda at nagpagulung-gulong sa kalsada.

Naitakbo pa siya sa ospital subalit namatay rin sanhi ng matinding pinsala sa ulo. Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide ang suspek.

vuukle comment

MOTOR

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with