^

Probinsiya

‘Damo’ sa sapatos, stude tiklo

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado ang isang 16-anyos na estudyante dahil sa umano’y pagtatago ng pinatuyong marijuana sa loob ng kanyang suot na sapatos kamakalawa sa Aparri, Cagayan. Ayon kay P/Chief Master Sgt. Emmanuel Padul, Aparri Police Station, ang suspek na si Marc, (hindi tunay na pangalan) ay naaresto matapos na mapansin ng kanyang guro na may itinatago ito sa loob ng kanyang sapatos.

 Hindi umano mapakali ang suspek at iniiwasan ang guro habang palabas sila sa gate ng eskwelahan. Dahil dito kaya tinanong ng guro ang suspek na hubarin ang sapatos at dito nadiskubre ang isang sachet ng hinihinalang marijuana. Base sa salaysay ng suspek, ang marijuana ay galing sa kanyang kaibigan na estudyante rin sa kanilang paaralan.  Sa inisyal na imbestigasyon, ang marijuana na nakuha kay Marc ay mula sa Tuguegarao City.

vuukle comment

MARIJUANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with