^

Probinsiya

Mag-asawa dedo, anak kritikal

Joy Cantos, Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

Dump truck salpok sa van

MANILA, Philippines — Patay ang isang mag-asawa habang malubhang nasugatan ang 8-anyos nilang anak na lalaki makaraang aksidenteng mabangga ng isang rumaragasang truck ang sinasakyan nilang van sa Brgy. San Juan, Sta Lucia, Ilocos Sur kamakalawa.

Kinilala ang mga nasawi na sina James Oliver Marzan, isang OFW at misis nitong si Rho Ann; kapwa 34-taong gulang ng Poblacion West, Pidigan, Abra at pawang dead-on-arrival sa Sta. Lucia District Hospital dahil sa tinamong matinding pinsala sa kanilang katawan. Patuloy namang nilalapatan ng lunas ang kanilang anak na si Michael Alfred Marzan.

 Sa ulat ng Ilocos Sur Police, bandang alas-6:02 ng umaga habang lulan ang tatlo ng Nissan van (NDQ-209) na minamaneho ng nasabing mister nang aksidente itong mabangga ng humahagibis na Isuzu dump truck (URV 930) na minamaneho naman ni Geronimo Valdez Jr, 51, pagsapit nila sa nasabing lugar.

Nabigo ang driver ng van na galing sa katimugang direksyon na iwasan ang paparating na dump truck na sobrang tulin ang takbo sanhi ng salpukan.

Wasak ang van kung saan naipit sa kanilang upuan sa harap si Marzan at misis na si Rho Anne.

vuukle comment

AKSIDENTE

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with