^

Probinsiya

Tattoo artist binaril sa mukha, dedo

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Tattoo artist binaril sa mukha, dedo
Batay sa ulat ng Rod­riguez Municipal Police Station, nabatid na dakong alas-10:00 ng gabi nang maganap ang krimen sa front door mismo ng tahanan ng biktima sa Sitio Catmon.
STAR/File

MANILA, Philippines – Isang lalaking tattoo artist ang hindi na umabot pang buhay sa pagamutan matapos barilin nang malapitan sa mukha ng inakala nitong bisita sa mismong pintuan ng kanyang tahanan sa Rod­riguez, Rizal, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa H-Vill Hospital ang biktimang si Nelson Dolorito, nasa hustong gulang at residente ng Sitio Catmon, Brgy. San Rafael, Rodriguez, habang nakatakas naman ang nag-iisang gunman matapos ang krimen.

Batay sa ulat ng Rod­riguez Municipal Police Station, nabatid na dakong alas-10:00 ng gabi nang maganap ang krimen sa front door mismo ng tahanan ng biktima sa Sitio Catmon.

Bago ito, nagpapahi-nga umano ang biktima sa loob ng kanyang bahay nang dumating ang suspek at kumatok sa pinto.

Inakala naman ng biktima na may bisita siyang dumating kaya’t kaagad na binuksan ang pinto, ngunit kaagad na siyang malapitang binaril sa mukha ng suspek, bago tumakas patungo sa ‘di natukoy na direksiyon.

Kaagad namang isinugod ng mga kaanak sa naturang pagamutan ang biktima ngunit idinekla-rang dead-on-arrival.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang pamamaslang.

 

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with