^

Probinsiya

4 manggagawa pinadlock sa pabrika, 2 among Tsino huli

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
4 manggagawa pinadlock sa pabrika, 2 among Tsino huli

CAVITE, Philippines  – Apat na manggagawang Pinoy ang nasagip matapos ikulong at ipadlock sa warehouse ng pinapasukang pabrika ng dalawa nilang among Tsino sa isinagawang rescue operation ng mga awtoridad sa Brgy. Toclong, Kawit, dito sa lalawigan kahapon ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Rolando Averilla, 30-anyos, helper, ng 106 Brgy. Toclong; Jaime Valenzuela, 43, driver, ng Brgy. Toc­long; Ian Clark Madlangbayan, 23, hel-per, ng Brgy. Toclong; pawang sa Kawit at Ronald Grino, 37, driver, ng Brgy. Carsadang Bago, Imus City.

Ang apat ay mata­gumpay na na-rescue ng pinagsanib na pu-wersa ng PIB-Cavite at Kawit Police bandang alas-11 ng umaga sa loob ng Dan Chang Company Warehouse, Golden Key Construction Management Inc. na pinatatakbo ng mga Tsino sa nasabing lugar.

Naaresto naman sa operasyon ang dalawang Chinese national na sina Qinghui Qiu, 37, at Bin Chen, 32-anyos, kapwa operations manager ng nasabing kumpanya at stay-in sa warehouse ng Gold Key Construction Management Inc. sa Brgy. Toclong.

Sa ulat, dumulog at humingi ng tulong sa istasyon ng pulisya si Ma. Angela Burgos, asawa ng isa sa mga biktima dahil ipinadlock umano ang kanyang mister at mga kasamahan nito sa loob ng pabrika ng mga among Chinese.

Dahil dito, agad na nagsagawa ng rescue operation ang mga awtoridad sa naturang kumpanya at dito na-rescue ang apat na mangga-gawa at naaresto ang dalawang among Tsino.

Ayon sa mga biktima, bigla na lamang umanong nagalit sa kanila ang dalawang amo at ayaw na silang pauwiin hanggang sa ipadlock sila sa loob ng warehouse. Mabuti na lamang at nakatawag  ang isa sa mga biktima sa kanyang misis na humi­ngi ng tulong sa pulisya.

vuukle comment

BIN CHEN

QINGHUI QIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with