^

Probinsiya

Pekeng station manager, 4 pa timbog sa kotong

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines — Kulungan ang bagsak ng limang katao kabilang ang mga nagpakilalang station manager at program director ng T-Radio Davao sa ikinasang entrapment operation ng Magpet Police at Regio­nal Intelligence Division 12 sa Brgy. Gubatan, ba­yan ng Magpet, dito sa lalawigan kamakalawa.

Kinilala ang mga suspek na sina Domina­or Turqueza Bancal, 50-anyos, nagpanggap na station manager; Michael Abonales Peralta, 46, nagpakila-lang program director; Darwin Aceberos Delen, 48; Pedro Jagoros Paña, 44, at Michael Sanao Nacio-ngayo, 43, mga taga-Davao City.

Ayon kay P/Major Judjie Barotas ng Magpet Police, nitong nakaraang linggo nang dumating sa sabungan sa Brgy. Gubatan ang mga suspek para mag-inspection at nagpakilalang mga miyembro ng Special Operation Group ng Games and Amusement Board, base na rin sa kanilang ipinakitang ID. Hinihingi­an umano nila ang may-ari ng sabungan ng P25,000 para sa kanilang permit at ID ng kanyang mga tauhan.

Sa imbestigasyon ng Intelligence Division ng Police Regional Office-12 na hindi konektado ang nasabing grupo sa Games and Amusement Board, kung kaya ikinasa ang entrapment operation.

vuukle comment

KOTONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with